Halina't alamin mo ang kwento ng aking buhay 💙
Wednesday, March 13, 2019
ISYU;
"Basura'y Puksain, Kalikasa'y Pagyamanin"
Isa sa mga nakikita kong kinakaharap na problema ngayon ng ating mga kabarangay ang mga nakakalat ng mga basura na hindi naayon sa tamang lugar ang kinalalaggayan nito, na kung saan ito'y pakalat kalat sa ating mga dinadaan araw-araw at madalas na ating nakikita sa paligid at kung saan man tayong lupalop pumunta ay palagi natin itong nakikita. Ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay siyang dahilan kung bakit nadudungisan ang imahe ng ating inang kalikasan. Mga basurang nagdudulot ng matinding pagbaha na naging dahilan kung bakit napipigilan ang pagdaloy sa mga tubig kanal at nagdudulot din ng matinding polusyon,sa hangin, lupa, at nagdudulot din ng malaking pinsala sa ating kabuhayan, kabuhayan sa tubig na unti-unting nasisira at nalalason ang mga coral reef, isda at iba pang nakatira sa yamang tubig. Hayaan na lang ba natin na sirain ng isang kakarampot na basura na magdulot ng malawakang pinsala sa atin at maging sa inang kalikasan?!
Bilang isang kabataan dapat na tayo'y makiisa, at umaaksyon sa kung ano man ang kinakaharap na mga problema dapat na tayo'y maging handa sa bawat hamon na tayo'y tinatamasa. Nang sa gayo'y ating matulungan na mapabuti ang kalagayan ng ating inang kalikasan. Tayong mga kabataan ang magplano ng mabuti nang sa gayo'y magbunga ito ng matiwasay na buhay. Mga kabataan na kailangang magkaisa at makilahok sa lahat ng programa, programang makakabuti at makakatulong ng malaki sa ating kapaligiran. Ang simpleng paraan ng pagpapaskil ng mga babala at paglalagay ng mga paalala. Ang pagbubukod sa mga nabubulok at hindi nabubulok at ang pagsunod sa Proper Waste Disposal. Ito'y napaka simpleng paraan ngunit ito'y makahulugan.
Alam naman nating lahat na mahalaga para sa atin ang kalikasan, dapat lang na ito'y pangalagaan katulad ng pangangalaga sa ating sarili dahil ang kalikasan ang syang nagsisilbing buhay ng bawat isa sa atin. Kalikasan na nakukuhanan natin sa pang-araw-araw na pangangailangan at kabuhayan. Hahayaan na lang ba natin na ito'y unti-unting maglaho at masira? O gagawa tayo ng aksyon upang ito'y masolusyunan at mapigilan. Tayong mga kabataan ang maging mabuting ehemplo sa karamihan. Tayong mga kabataan na siyang magiging mabuting instrumento. Kabataan na nagkakaisa, umaaksyon, kapit-bisig patungo sa sa pagbabago.
Monday, March 11, 2019
Buhay GAS Student
"HAGUPIT NG GENERAL ACADEMIC STRAND"(GAS)
Simula pa lamang ng aking pagtungtong sa Senior High School nakaramdam na kaagad ako ng tensiyon. Ang hirap pumili at magpasya kung ano ba ang kukunin kong strand, nandiyan ang HUMMS, STEM, ABM, Tech-Voc at GAS, dahil nga nag-aalinlangan pa ako mas pinili ko ang General Academic Strand. Napag-isip-isip ko na parang dito ako nababagay, mas natututo, mahahasa at mas malilinang pa ang aking kakayahan at makakadiskubre pa ng mga bagong kaalaman.
Nagsimula ang aking paglalakbay noong pumasok ako sa Baitang labing-isa, sa una madali lang ang mga gagawin ngunit habang tumatagal narararamdaman ko na ang pagod at padami ng padami nadin ang mga gagawin, sa dami ng mga paperworks, biglaang quizzes, essay, long tests, paggawa ng poem,speech na kailangan pang iperform sa unahan, pagkakabisa ng Philippine Bill of Rights and Laws, The Rights of Filipino Citzenship, at maging ang Article 1-20 ng 1987 Constitution ay kinabisa ko. Sa lahat, ang GAS ang pinakamaraming subjects, pag-aaralan lang naman ang Earth and Life Science, General Math, Oral Communication, Philosophy, Pagsulat, Wika at Komunikasyon, Statistics and Probability, Pananaliksik, Physical Science, Understanding the Culture Societal and Politics (UCSP), English for Academic Purposes, Personality Development, Contemporary Arts, Disaster Risk Reduction and Readiness (DRRR) at Applied Economics.
Lahat ng subjects na yan ay aking napag-aralan, ginawan ng effort, pinagpuyatan at pinaguran kahit na napaka "challenging"sa amin ang maging sa parte ng aming yugto sa Senior High. Hindi naging madali sa amin ang bagong hamon na kinakaharap sa SHS kailangan mo talagang sanayin ang iyong sarili sa puyat at pagod dahil sa dami ng mga gagawin at aaralin at tatapusin.
Dahil sa aking pagtiyatiyaga nakatungtong na ako ngayon sa sa Baitang labing dalawa. Inaasahan ko na na mas madami pa ang mga gagawin at mas mahirap na ang kalagayan ngayong nasa Grade 12 na ako.Kagaya nga ng sinabi ko hindi madali sa akin ang Strand na'to. Asahan mong panibago na naman ang mga subjects na iyong pag-aaralan, pagpapaguran, papupuyatan at pagtutunan ng panibagong atensyon.Mga panibagong subjects na naman na iba-iba at kailangan mong pagbusy-bisehan katulad na lamang General Chemistry 1-2 namay halong math na kailangan mo pang magkompyut at pag-aralan ang Periodic Table para matukoy mo kung ito ba ay kabilang sa ion-ion, dipole-dipole, dispersion at iba pa, Ang Organization and management na kailangan mong gumawa ng tamang format ng application letter at resume sa subject na ito at kailangan pang dumaan sa job interview ni Sir at Madam, Ang subject na Entrepreneurship na umiikot lahat patungkol sa business, gagawa ng Business Plan at kailangan pang gumastos ng pera para sa sample products na tinitinda niyo, Ang subject na Pagbasa na gagawan ng pananaliksik at gagawa ng mga social experiment, Sa Creative Writing na gagawa ng mahahabang poem na kailangan pang paganahin ang pagiging creative at imagination mo, gumawa ng spoken poetry na kailangan mo pang sa saluuhin at iperform sa harapan ng lahat, Ang subject na Reading and Writing at 21st Century na kailangan sa subject na ito na pag-aralan ang Figure of Speech at basahin ang marami at mahahabang story at pagkatapos ay kailangan pang gumawa ng repleksyon batay sa binasa, Ang subject na Trends at Empowerment Technology na umiikot sa parte ng kompyuter, pag-aralan ang MS Word, Excel, paggawa ng powerpoint at pag-aralan maging ang history ng ICT, paggawa ng blogs at Vlogs na kailangan pang gumawa ng sariling gmail account at blogs|vlog site at ipost. At isa pa sa pinakamatindi sa lahat na subject ang Practical Research 1-2 ang paggawa ng research paper o thesis na kailangan pag-aralan ng mabuti at pagsikapang matapos, dito mo mararanasan ang pagiging magulo ng iyong isipan dahil sa hindi nagkakaintindihan at nag-aaway ang mga kagrupo mo sa paggawa nito,thesis na kailangan ng maigiang pangangalap ng impormasyon o datos, mapa survey man o magpa Google, dami ng iiencode at maging sa dami ng gagamiting coupon bond. Dito nasusubok ang katatagan ng aming grupo, na gawing sabay-sabay at i pangkat ang bawat parte ng aming ginagawang thesis. Thesis na kailangang pag-aralan ng mabuti, paghirapan,at pagpuyatan upang magresulta ng maayos sa darating na final defense. Hindi lang isang subject aming ginagawan ng effort kundi ang lahat, sabay-sabay pang gagawin ang movie presentation, narrative report, scrapbook at isa pa sa nakakabaliw na parte kapag sabay-sabay ang lahat ng subjects sa araw ng examination na cover to cover pa coverage ang kailangan mong irebyu, pag-aralan at pagpupuyatan. Dito ko nasubukan ang hindi umuwi sa tamang oras na magagabihan sa bahay ng kaklase para matapos lang maraming pinapaggawa. Halos dito ko nasubukang magsulat sa bawat subject dyes oras na ng gabi at gawin ng sabay-sabay ang mga assignment sa lahat subjects, dito ko naranasan ang umiyak, mapagod at muntik ng sumuko dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan at alin dito ang aking uunahin, dito ko naranasan ang magpalipas ng kain at magpaggabi upang matapos ko lamang mga ito, halos hindi na nga ako makatulog dahil sa dami ng aking iniisip na halos hindi ko na namamalayan na alas tres na pala ng umaga bago ko matapos ang kung mga gingawa, nakakapagod at nakakabaliw.
Palagi pa nilang kinukumpara ang kursong GAS sa ibang Strand, na mas madali lang daw ito kaysa sa strand na kinuha nila . Akala nila napakadali ang strand na ito at maging GAS students pa easy-easy lang ganun pero mali sila ng akala. Strand na'to ang magsasampal sayo sa katotohanan na hindi ito madali. Walang madaling strand lahat naman yata ay mahihirap, nasa sayo kung kung paano mo paghirapan, paghandaan, pagpaguran at pagsikapan.
Dahil dito natuto akong mag Time Management at i-balanse ang oras para sa mga bagay na mas mahalaga pa para saiyo. Masayang maging GAS Students dito mo msusubukan kung gaano katibay at kakatatag, mga kaalaman na bubusugin ka dahil sa dami ng iyong matututunan, sa una talaga mahirap ngunit kapag tumagal na nang tumagal masasanay ka na lang at mas marami ka pang matututunan at madidiskubre ng mga bgong kaalaman.
Hindi ko isusuko ang isang bagay na alam ko na kaya kong pagtiyagaan at ipaglaban, mahirap maghintay ngunit mas masarap ang magtagumpay, lalo na kung pinaghirapan at pinupursigihan mo ang isang bagay na alam mong mag dadala sayo tungo sa masaya at magandang kinabukasan. Laban lang! ☺😇

Sunday, March 10, 2019
To My Colleagues:
"Mga kalugod -lugod kong mga mahal sa buhay "
Sa mga taong pinakamamahal ko at naging parte na din ng aking pagkatao. Mga taong umaantabay at nakukuhanan ko ng lakas ng loob sa oras ng kahinaan at kagipitan. Mga taong nagbibigay kasiyahan at liwanag sa akin. Hayaan niyo akong magbalik tanaw at aral sa mga kabutihang idinulot niyo sa akin.
Sa masisipag kong kamag-aral at kaibigan, mga mabubuting guro na may busilak ang puso at sa pamilya ko na laging nandiyan at aking nasasandalan kailanman, maraming-marami salamat sainyo.
Unahin nating bigyang pakahulugan ang salitang ang mga masisipag kong kamag-aral at kaibigan. Mga taong nakakasama ko sa hirap patungo sa malawak na hakbang upang makamit ang mga inaasam-asam sa buhay. Ang mga nabubuong tawanan, kulitan at kasiyahan ay sa kanila ko natutunan at nahagkan, nakakasabay papuntang eskwelahan hanggang sa pag-uwi ng bahay. Mga taong nakukuhanan ko ng lakas at payo sa tuwing may problema ako, nandiyan sila umaantabay sa tuwing napaghihinaan ako ng loob at sa tuwing nawawalan na ako ng lakas at nakakaramdam ng pagod. Mga ngiti sa kanilang labi ang pumapawi sa aking kalungkutan at sa mga dinadala kong problema. Nakakasabay ko sila sa hirap at pagsubok na kinakaharap sa loob ng eskwelahan. Mga taong nagpupursigi upang makatapos kahit na unti-unting hinahamon ng mapagbirong tadhana. Kaming mga mag-aaral na patuloy na nagsusumikap at nagpupursigi upang makamit at marating ang inaasam-asam na tagumpay balang araw.

Sunod nating bigyang pakahulugan ang mga taong nagbibigay ng karunungan at nagtuturo sa atin ng magandang asal. Kilala natin silang lahat dahil sila ang pangalawang magulang natin, pangalawang magulang na nagsusumikap para maturuan lang tayo. Mga taong mayroong tiyaga at kayang magsakripisyo para sa ating lahat, sa mga estudyanteng mabigyan lang ng karunungan at magkaroon ng mabubuting asal. Si Ma'am at si Sir na gumagabay sa atin patungo sa magandang direksyon at matuwid na landas. Minsan napapaisip tayo kaya pa ba nila? Ang pagsabayin ang kanilang trabaho at balansehin ang oras nila sa kanilang pamilya sa dinami -dami nilang ginagawa, mga papel works, magcheck ng mga exams, magkompyut ng mga grades, mga aralin na kailangang pag-aralan upang talakayin kinabukasan ang lahat ng mga yan ay palagi nilang ginagawa sa araw-araw, at sasabayan pa ng ingay nang kanilang mga estudyante na dulot sa kanila ng matinding sakit sa ulo. Napapagalitan nila tayo dahil sa pagod ba nilang nararamdaman? Kaya saludo kami sainyo mabubuting guro sa tapang niyo at dedikasyon, mga aral niyong bigay sa amin na kailanma'y hinding-hindi nawawala, mananakaw at matutumbasan ninuman at maidadala namin sa totoong buhay at maging sa kasalukuyang panahon.
Pangatlo nating bigyang pakahulugan ang ating pinakamamahal na pamilya. Unang nasasandalan sa oras ng kagipitan . Pamilyang nagbibigay sa atin ng direksiyon upang makamit ang gusto nilang mangyari at marating natin. Mga magulang na nagpupursigi, nag sasakripisyo at nagbabanat ng buto upang mabigyan lang tayo ng magandang buhay at kinabukasan. Kaya nilang danasin ang hirap, pagod at araw-araw silang kumakayod para mabuhay lang tayo. Mga magulang na hindi iniintindi at pinapansin ang kanilang itsura para makapagtrabaho lang sila para sa ating ikagiginhawa. Pamilyang dadamayan ka at sasamahan ka sa laban at maging sa pait ng buhay, sa buhay na puno ng tinik at hirap ay nandiyan sila para gabayan ka at tulungan ka at hinding-hindi ka nila susukuan hanggang sa dulo ng iyong buhay. Sa laban papunta sa gusto mong mangyari at mahagkan.
Yan ang mga taong nagbibigay puwang sa aking buhay at binibigyan ko ng napakalaking importansya sa mundo at bumubuo sa aking pagkatao. Mga dulot nila sa aki'y bukal at totoo. Sabay-sabay nating pahalagahan ang mga magagandang bagay na ating nasimulan, sabay-sabay nating harapin ang mga hamon sa ating buhay. Atin nang lakbayin ang pinakarurok ng tagumpang ng ating buhay. Dahil ang mga pagod at hirap nati'y hindi kayang tumbasan ninuman. Mga aral na bigay niyo sa amin ay dadalhin at magsilbing baon na maidadala kahit saan man kami maparoon at maibabahagi sa iba maging sa kasalukuyang panahon.

My Future Self :
IWAKSI ANG DATING NAKARAAN, MATUTO AT MAGSILBING ARAL SA KASALUKUYAN
Tanaw ko sa bandang dako ang kinaroroonan ng isang binatilyo, kita ko sa malayo ang malungkot niyang mukha at mapupungay niyang mga mata na para bang nagtataka at nag-iisa. Nilakasan ko ang loob ko at kasabay ng paghakbang at paglapit ko sa kanya ang paglapit niya rin sa akin.Bigla akong nagulat at nahimasmasan ramdam ko ang unti-unting pag-agos ng sakit na nanggaling sa'king mga mata, nagulat at tila ako'y kinilabutan ng makita ko siyang tumitindig sa pinakamalaking kuwadradong salamin "ako pala, ang sarili ko! ". Biglang nabuhay ang diwa ko, kasabay ng pag-agos ng mapapait kong mga luha gawa ng aking nakaraan ang pagkaawa ko sa'king sarili. Mahinahon ko siyang kinausap," alam kong marami ka ng pinagdaanang hirap, lungkot, hinagpis, takot, pighati't pagod na muntik ka na ngang sumuko. Noong mga panahong nararanasan mo na para bang walang nagmamahal sayo na kailangan mo pang ikubli ang sarili mo sa dilim upang hindi masilayan ang mga luhang pumapatak sa iyong mga mata na dulot ng mga problema ng hindi mo na makayanan at magpahirap sayo ng kusa. Mga taong unti-unting dinudungisan ang inosente mong pagkatao, mga taong hindi naniniwala sa kakayahan mo dahil mas pinili mong mapag-isa na lamang? dahil wala kang malapitan at madadamayan, na pakiramdam mong ikaw na lang ang tanging taong natitirang nabubuhay sa mundo.Minsan natatanong sa iyong sarili na ano ba ang silbi ko sa mundo. Sa mundong puno ng taong mapanghusga at unti-unti kang hinahamon at dinadapa na unti-unti kang nawawalan ng lakas at pag-asa".
Bigla akong nahimasmasan, pinunasan ang mga luha at ang malabong salamin na dulot ng mapapait na karanasan. Unti-unti kong nasilayan ang buong pagkatao ko, pagkataong natuto na sa lahat ng pagkakamali at sa bawat pagkakadapa na mas natututong bumangon, tumatag at tumibay.Mga nakaraan na dulot sa akin ay hirap na nagsilbing aral sa mga pagkakamali ko na unti-unting nagpabago at nagpatibay sa akin. Mahal kong sarili, sa pagdating ng panahon ipaparamdam ko at ipararanas ko sayo na hindi ka nag iisa dahi nandyan ang mahal mo sa buhay ang pamilya at ang Diyos para intindihin at dadamayan ka, tutulungan sa lahat ng sakripisyo at laban. Nandiyan sila sa bawat pagsubok at dagok ng buhay para samahan ka. Sa bawat kalungkutan mo ay dadamayan ka. Huwag kang matakot, hindi ka nila iiwan at pababayaan kasama mo sila sa bawat laban mo sa buhay. Aking sarili, hayaan mong punan ko ang lahat ng aking pagkukulang dati. Ipakita mo sa kanila na kaya mo at mali sila ng akala.
Self, stop feeding yourself with negativity and listen to those who motivates and inspires you. Do not focus on judgements of those who don't know you. Your mistakes do no't determine your future and you don't dwell in the past anymore, so please don't be hard on yourself. You are a human being who deserves a second chance. Believe in yourself. You are special. You are unique and no matter what happens, only you can change how you see yourself. You are too precious, and too worthy that sometimes the world does'nt deserve your kindness but for someone as genuine as you.
Still progress is still progress and I am proud of you for working so hard to prove to those who don't believe in you that they're wrong. You are so strong because you still have the heart to encourage others even though you have your own problems you need to deal with. Cheers to all of the battles you've silently won, that no one noticed and recognized because you didn't want to let them know about what you've went through. You have no idea how beautiful your soul is and I pray that God willl fully transform you into the person he want you to be. Keep going and fighting self. I know you can make lt for the future. Self, no matter what comes up in your life. I know that this too, will pass. You know, there's nothing impossible in this life. You just need to keep working hard. Your dreams and aspirations are not imposible, you just keep working at it.
Huwag mo sanang pababayaan ang iyong sarili dahil ang sarili mo ang isa sa makakatulong saiyo at magiging katuwang mo sa buhay balang araw at huwag na huwag mong kakalimutan ang mga taong nag silbi ng lakas,gabay at tumulong sa iyo sa gitna ng laban para maabot mo ang iyong pangarap sa buhay. Mahal kong sarili, alam kong marami akong pagkukulang dati hayaan mo akong gumawa at magpasya nang naayon sa gusto kong mangyari sa kasalukuyan, makakabuti at magdadala sa iyo sa magandang buhay pagdating ng panahon,huwag mong susukuan ang pangarap mo, laban lang! Mahal kong sarili. 😊😇

"MAHIRAP NGUNIT KAKAYANIN"
Ang buhay bilang mag-aaral ng Senior High School ay isa na yata sa mga masasayang karanasan subalit mapanghamon na parte at yugto ng aking buhay. Isang mahahalagang bagay na kailangan mong paghirapan at pagsikapan. Isang bagay na gigising sayo sa reyalidad na buhay. Ang buhay ng isang mag-aaral ng Senior High School ay para ding kolehiyo. Isang karanasan na kailangan mong paglaanan ng pansin at panahon sa dinami-daming gagawin, sa maraming araw na ginawa ng Diyos ay palagi kong iniisip kung paano ko haharapin ang mga pamantayan sa pagpasa ng mga projects, paggawa ng assignment, sunod -sunod na quizzes, performances, recitation, reports at sa darating pang examination na hindi lang isa ang kailangan mong rebyuhin kundi lahat at sabay sabay mong pag-aaralan halos sa limang oras na lang ang aking pahinga, nakakapagod,nakakabaliw at halu-halo ang apat na emosyon; saya sa tuwing ako'y nakakasagot at pumapasa, lungkot sa tuwing ako'y bumabagsak sa isang asignatura, galit sa tuwing nag-aaway ang grupo sa presentasyong rush na at takot na baka ang lahat ng ito'y hindi ko makaya.
Hindi naging madali sa akin ang buhay Senior High araw-araw ang puyat at pagod ang iyong mararanasan, kailangan mo pang pagsasabayin ang obligasyon mo sa pag -aaral bilang estudyante at responsibilidad mo sa loob ng bahay bilang Kuya. Kalakip pa nito ang taong hindi naniniwala at walang tiwala sa kakayahan mo, mga salitang palagi kong naririnig sa kanila "hindi makakatapos yan dahil mahirap at walang pera", "puro ka aral wala ka nang nagagawa dito sa bahay", at minsan napaghihinaan ka na ng loob at parang unti-unti kang lumiliit at dinudurog sa masasakit na salitang nanggagaling sa kanila "kung alam niyo lang kung paano mag-aral " "makakapagtapos din ako ", yan ang mga salitang palaging umiikot at tinatatak ko sa aking isipan. Kalakip pa nito ang hirap lalo na kung malayo pa ang inyong bahay papuntang eskwelahan na kailangan mo talagang gumising ng maaga para hindi ka mahuli sa inyong klase. Sa araw-araw na pamasahe, pambili ng kanin at ulam, baon na ipangkakasya at babadiyetin lahat ng mga yan ay kailangan mong gastusan at poproblemahin. Mga magulang na nagpupursigi upang makatapos ka lang, trabaho ng magulang mo na sapat lang kita upang makapag-aral at makapagtapos kayong magkakapatid na lima. Susuko na ba ako o patuloy pa ba akong lalaban? Ang hirap! minsan napapaisip ako bakit ako susuko kung ang mga magulang ko ay hindi magawang sukuan ako|kami at iparanas ang magandang nasimulan nila para sa amin na ang kaakibat nun ang paghihirap nilang magtrabaho para makapag-aral lang kami. Nasisilip at nakikita ko sa kanilang mga mata ang sakripisyo kung paano sila nagsusumikap at nagsisikap, magbanat ng buto at nabubuong pawis na lumalabas sa kanila dulot ng pagpupursigi nila para makapagtapos lang kami.
HINDI MADALING MAGING SENIOR HIGH SCHOOL STUDENT mga katagang palaging umiikot at paulit-ulit sa'king isipan. Dito mo mararanasan ang hirap, puyat, at pagsubok na unti-unti kang dinadapa at hinahamon, nadiyan yung muntik ka nang sumuko eh dahil sa dami ng gagawin, gagastusin at tatapusin. Minsan nga pinaghihinalaan ka na ng mga magulang mo dahil sa dami ng bayarin sa paaralan, naawa na ako sa mga magulang ko lalo na kung sabay-sabay pa ang babayaran ninyong magkakapatid sa eskwelahan. Susuko na ba ako dahil ako'y nahihirapan at napapagod na? HINDI! dahil alam kong matatapos din 'tong paghihirap ko, paghihirap na alam kong mayroong magbubunga ng sagana, patuloy at unti-unting magdadala sa akin sa masaya at marangyang buhay. Dahil dito, mas lalo ko pang tinatagan at tumibay ang sarili at loob ko, nanatiling lumalaban at patuloy na lalaban sa bawat hamon na kakaharapin upang magresulta at magbunga ng ikakaganda ng kinabukasan ko. Paghihirap at pagkakadapa at pagsubok na naging dahilan para ako'y muling lumaban, at bumangon, unti-unting dumadala sa akin patungo sa gusto kong mangyari sa akin pagdating ng panahon. Ang pagsuko ay hindi naging rason upang hindi matupad ang mga pangarap mo, pagsukong ito ay hindi ko kailanma'y ginawa dahil ang salitang pagsuko para sa akin ay isa lamang kathang isip, kathang isip na nararanasan lamang sa panandaliang paghihirap. Dahil kung susuko ako alam kong wala akong patutunguhan sa buhay. Balang araw makakahanap ako ng maganda at permanenteng trabaho nang sa gayo'y masuklian ko ang sakripisyo, pagod at paghihirap na dinanas ng mga magulang ko sa pagkayod nila araw-araw sa pag-abot ng mga pangarap namin, ang salitang "Ma, baon ko ay mapapalitan ng Ma sahod ko po"
Palaging nabubuo sa'king isipan ang tatlong katagang "HINDI AKO SUSUKO" kakayanin ko lahat para sa pamilya at Poong Maykapal na kahit ako'y nahihirapan na ay nandiyan sila upang alalayan ako. Mahirap, napakahirap talaga sapagka't hindi madaling maging isa, isang mag-aaral na puno ng pangarap sa buhay pero ang lahat ng hirap ay kinakaya para makamit ang isa, isang medalya, para makuha ang isa, isang gantimpala at para matupad ang isa, ISANG PANGARAP.
Napakasayang mag-aral subalit kailangan mo munang paghirapan ang mga bagay na nais mong mangyari sa buhay at bago mo marating at makamit ang rurok ng tagumpay ng iyong buhay. Mahirap ngunit KAKAYANIN, LABAN LANG! 😊😇
Subscribe to:
Posts (Atom)