Wednesday, March 13, 2019
ISYU;
"Basura'y Puksain, Kalikasa'y Pagyamanin"
Isa sa mga nakikita kong kinakaharap na problema ngayon ng ating mga kabarangay ang mga nakakalat ng mga basura na hindi naayon sa tamang lugar ang kinalalaggayan nito, na kung saan ito'y pakalat kalat sa ating mga dinadaan araw-araw at madalas na ating nakikita sa paligid at kung saan man tayong lupalop pumunta ay palagi natin itong nakikita. Ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay siyang dahilan kung bakit nadudungisan ang imahe ng ating inang kalikasan. Mga basurang nagdudulot ng matinding pagbaha na naging dahilan kung bakit napipigilan ang pagdaloy sa mga tubig kanal at nagdudulot din ng matinding polusyon,sa hangin, lupa, at nagdudulot din ng malaking pinsala sa ating kabuhayan, kabuhayan sa tubig na unti-unting nasisira at nalalason ang mga coral reef, isda at iba pang nakatira sa yamang tubig. Hayaan na lang ba natin na sirain ng isang kakarampot na basura na magdulot ng malawakang pinsala sa atin at maging sa inang kalikasan?!
Bilang isang kabataan dapat na tayo'y makiisa, at umaaksyon sa kung ano man ang kinakaharap na mga problema dapat na tayo'y maging handa sa bawat hamon na tayo'y tinatamasa. Nang sa gayo'y ating matulungan na mapabuti ang kalagayan ng ating inang kalikasan. Tayong mga kabataan ang magplano ng mabuti nang sa gayo'y magbunga ito ng matiwasay na buhay. Mga kabataan na kailangang magkaisa at makilahok sa lahat ng programa, programang makakabuti at makakatulong ng malaki sa ating kapaligiran. Ang simpleng paraan ng pagpapaskil ng mga babala at paglalagay ng mga paalala. Ang pagbubukod sa mga nabubulok at hindi nabubulok at ang pagsunod sa Proper Waste Disposal. Ito'y napaka simpleng paraan ngunit ito'y makahulugan.
Alam naman nating lahat na mahalaga para sa atin ang kalikasan, dapat lang na ito'y pangalagaan katulad ng pangangalaga sa ating sarili dahil ang kalikasan ang syang nagsisilbing buhay ng bawat isa sa atin. Kalikasan na nakukuhanan natin sa pang-araw-araw na pangangailangan at kabuhayan. Hahayaan na lang ba natin na ito'y unti-unting maglaho at masira? O gagawa tayo ng aksyon upang ito'y masolusyunan at mapigilan. Tayong mga kabataan ang maging mabuting ehemplo sa karamihan. Tayong mga kabataan na siyang magiging mabuting instrumento. Kabataan na nagkakaisa, umaaksyon, kapit-bisig patungo sa sa pagbabago.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment