Monday, March 11, 2019

Buhay GAS Student

"HAGUPIT NG GENERAL ACADEMIC STRAND"(GAS)




 Simula pa lamang ng aking pagtungtong sa Senior High School nakaramdam na kaagad ako ng tensiyon. Ang hirap pumili at magpasya kung ano ba ang kukunin kong strand, nandiyan ang HUMMS, STEM, ABM, Tech-Voc at GAS, dahil nga nag-aalinlangan pa ako mas pinili ko ang General Academic Strand. Napag-isip-isip ko na parang dito ako nababagay, mas natututo, mahahasa at mas malilinang pa ang aking kakayahan at makakadiskubre pa ng mga bagong kaalaman.
Nagsimula ang aking paglalakbay noong pumasok ako sa Baitang labing-isa, sa una madali lang ang mga gagawin ngunit habang tumatagal narararamdaman ko na ang pagod at padami ng padami nadin ang mga gagawin, sa dami ng mga paperworks, biglaang quizzes, essay, long tests, paggawa ng poem,speech na kailangan pang iperform sa unahan, pagkakabisa ng Philippine Bill of Rights and Laws, The Rights of Filipino Citzenship, at maging ang Article 1-20 ng 1987 Constitution ay kinabisa ko. Sa lahat, ang GAS ang pinakamaraming subjects, pag-aaralan lang naman ang Earth and Life Science, General Math, Oral Communication, Philosophy, Pagsulat, Wika at Komunikasyon, Statistics and Probability, Pananaliksik, Physical Science, Understanding the Culture Societal and Politics (UCSP), English for Academic Purposes, Personality Development, Contemporary Arts, Disaster Risk Reduction and Readiness (DRRR) at Applied Economics.
Lahat ng subjects na yan ay aking napag-aralan, ginawan ng effort, pinagpuyatan at pinaguran kahit na napaka "challenging"sa amin ang maging sa parte ng aming yugto sa Senior High. Hindi naging madali sa amin ang bagong hamon na kinakaharap sa SHS kailangan mo talagang sanayin ang iyong sarili sa puyat at pagod dahil sa dami ng mga gagawin at aaralin at tatapusin.

Dahil sa aking pagtiyatiyaga nakatungtong na ako ngayon sa sa Baitang labing dalawa. Inaasahan ko na na mas madami pa ang mga gagawin at mas mahirap na ang kalagayan ngayong nasa Grade 12 na ako.Kagaya nga ng sinabi ko hindi madali sa akin ang Strand na'to. Asahan mong panibago na naman ang mga subjects na iyong pag-aaralan, pagpapaguran, papupuyatan at pagtutunan ng panibagong atensyon.Mga panibagong subjects na naman na iba-iba at kailangan mong pagbusy-bisehan katulad na lamang General Chemistry 1-2 namay halong math na kailangan mo pang magkompyut at pag-aralan ang Periodic Table para matukoy mo kung ito ba ay kabilang sa ion-ion, dipole-dipole, dispersion at iba pa, Ang Organization and management na kailangan mong gumawa ng tamang format ng application letter at resume sa subject na ito at kailangan pang dumaan sa job interview ni Sir at Madam, Ang subject na Entrepreneurship na umiikot lahat patungkol sa business, gagawa ng Business Plan at kailangan pang gumastos ng pera para sa sample products na tinitinda niyo, Ang subject na Pagbasa na gagawan ng pananaliksik at gagawa ng mga social experiment,  Sa Creative Writing na gagawa ng mahahabang poem na kailangan pang paganahin ang pagiging creative at imagination mo, gumawa ng spoken poetry na kailangan mo pang sa saluuhin at iperform sa harapan ng lahat, Ang subject na Reading and Writing at 21st Century na kailangan sa subject na ito na pag-aralan ang Figure of Speech at basahin ang marami at mahahabang story at pagkatapos ay kailangan pang gumawa ng repleksyon batay sa binasa, Ang subject na Trends at Empowerment Technology na umiikot sa parte ng kompyuter, pag-aralan ang MS Word, Excel, paggawa ng powerpoint at pag-aralan maging ang history ng ICT, paggawa ng blogs at Vlogs na kailangan pang gumawa ng sariling gmail account at blogs|vlog site at ipost. At isa pa sa pinakamatindi sa lahat na subject ang Practical Research 1-2 ang paggawa ng research paper o thesis na kailangan pag-aralan ng mabuti at pagsikapang matapos, dito mo mararanasan ang pagiging magulo ng iyong isipan dahil sa hindi nagkakaintindihan at nag-aaway ang mga kagrupo mo sa paggawa nito,thesis na kailangan  ng maigiang pangangalap ng impormasyon o datos, mapa survey man o magpa Google, dami ng iiencode at maging sa dami ng gagamiting coupon bond. Dito nasusubok ang katatagan ng aming grupo, na gawing sabay-sabay at i pangkat ang bawat parte ng aming ginagawang thesis. Thesis na kailangang pag-aralan ng mabuti, paghirapan,at pagpuyatan upang magresulta ng maayos sa darating na final defense. Hindi lang isang subject aming ginagawan ng effort kundi ang lahat, sabay-sabay pang gagawin ang movie presentation, narrative report, scrapbook at isa pa sa nakakabaliw na parte kapag sabay-sabay ang lahat ng subjects sa araw ng examination na cover to cover pa coverage ang kailangan mong irebyu, pag-aralan at pagpupuyatan. Dito ko nasubukan ang hindi umuwi sa tamang oras na magagabihan sa bahay ng kaklase para matapos lang maraming pinapaggawa. Halos dito ko nasubukang magsulat sa bawat subject dyes oras na ng gabi at gawin ng sabay-sabay ang mga assignment sa lahat subjects, dito ko naranasan ang umiyak, mapagod at muntik ng sumuko dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan at alin dito ang aking uunahin, dito ko naranasan ang magpalipas ng kain at magpaggabi upang matapos ko lamang mga ito, halos hindi na nga ako makatulog dahil sa dami ng aking iniisip na halos hindi ko na namamalayan na alas tres na pala ng umaga bago ko matapos ang kung mga gingawa, nakakapagod at nakakabaliw.
Palagi pa nilang kinukumpara ang kursong GAS sa ibang Strand,  na mas madali lang daw ito kaysa sa strand na kinuha nila . Akala nila napakadali ang strand na ito at maging GAS students pa easy-easy lang ganun pero mali sila ng akala. Strand na'to ang magsasampal sayo sa katotohanan na hindi ito madali. Walang madaling strand lahat naman yata ay mahihirap, nasa sayo kung kung paano mo paghirapan, paghandaan, pagpaguran at pagsikapan.
Dahil dito natuto akong mag Time Management at i-balanse ang oras para sa mga bagay na mas mahalaga pa para saiyo. Masayang maging GAS Students dito mo msusubukan kung gaano katibay at kakatatag, mga kaalaman na bubusugin ka dahil sa dami ng iyong matututunan, sa una talaga mahirap ngunit kapag tumagal na nang tumagal masasanay ka na lang at mas marami ka pang matututunan at madidiskubre ng mga bgong kaalaman.
Hindi ko isusuko ang isang bagay na alam ko na kaya kong pagtiyagaan at ipaglaban, mahirap maghintay ngunit mas masarap ang magtagumpay, lalo na kung pinaghirapan at pinupursigihan mo ang isang bagay na alam mong mag dadala sayo tungo sa masaya at magandang kinabukasan. Laban lang! ☺😇

No comments:

Post a Comment