IWAKSI ANG DATING NAKARAAN, MATUTO AT MAGSILBING ARAL SA KASALUKUYAN
Tanaw ko sa bandang dako ang kinaroroonan ng isang binatilyo, kita ko sa malayo ang malungkot niyang mukha at mapupungay niyang mga mata na para bang nagtataka at nag-iisa. Nilakasan ko ang loob ko at kasabay ng paghakbang at paglapit ko sa kanya ang paglapit niya rin sa akin.Bigla akong nagulat at nahimasmasan ramdam ko ang unti-unting pag-agos ng sakit na nanggaling sa'king mga mata, nagulat at tila ako'y kinilabutan ng makita ko siyang tumitindig sa pinakamalaking kuwadradong salamin "ako pala, ang sarili ko! ". Biglang nabuhay ang diwa ko, kasabay ng pag-agos ng mapapait kong mga luha gawa ng aking nakaraan ang pagkaawa ko sa'king sarili. Mahinahon ko siyang kinausap," alam kong marami ka ng pinagdaanang hirap, lungkot, hinagpis, takot, pighati't pagod na muntik ka na ngang sumuko. Noong mga panahong nararanasan mo na para bang walang nagmamahal sayo na kailangan mo pang ikubli ang sarili mo sa dilim upang hindi masilayan ang mga luhang pumapatak sa iyong mga mata na dulot ng mga problema ng hindi mo na makayanan at magpahirap sayo ng kusa. Mga taong unti-unting dinudungisan ang inosente mong pagkatao, mga taong hindi naniniwala sa kakayahan mo dahil mas pinili mong mapag-isa na lamang? dahil wala kang malapitan at madadamayan, na pakiramdam mong ikaw na lang ang tanging taong natitirang nabubuhay sa mundo.Minsan natatanong sa iyong sarili na ano ba ang silbi ko sa mundo. Sa mundong puno ng taong mapanghusga at unti-unti kang hinahamon at dinadapa na unti-unti kang nawawalan ng lakas at pag-asa".
Bigla akong nahimasmasan, pinunasan ang mga luha at ang malabong salamin na dulot ng mapapait na karanasan. Unti-unti kong nasilayan ang buong pagkatao ko, pagkataong natuto na sa lahat ng pagkakamali at sa bawat pagkakadapa na mas natututong bumangon, tumatag at tumibay.Mga nakaraan na dulot sa akin ay hirap na nagsilbing aral sa mga pagkakamali ko na unti-unting nagpabago at nagpatibay sa akin. Mahal kong sarili, sa pagdating ng panahon ipaparamdam ko at ipararanas ko sayo na hindi ka nag iisa dahi nandyan ang mahal mo sa buhay ang pamilya at ang Diyos para intindihin at dadamayan ka, tutulungan sa lahat ng sakripisyo at laban. Nandiyan sila sa bawat pagsubok at dagok ng buhay para samahan ka. Sa bawat kalungkutan mo ay dadamayan ka. Huwag kang matakot, hindi ka nila iiwan at pababayaan kasama mo sila sa bawat laban mo sa buhay. Aking sarili, hayaan mong punan ko ang lahat ng aking pagkukulang dati. Ipakita mo sa kanila na kaya mo at mali sila ng akala.
Self, stop feeding yourself with negativity and listen to those who motivates and inspires you. Do not focus on judgements of those who don't know you. Your mistakes do no't determine your future and you don't dwell in the past anymore, so please don't be hard on yourself. You are a human being who deserves a second chance. Believe in yourself. You are special. You are unique and no matter what happens, only you can change how you see yourself. You are too precious, and too worthy that sometimes the world does'nt deserve your kindness but for someone as genuine as you.
Still progress is still progress and I am proud of you for working so hard to prove to those who don't believe in you that they're wrong. You are so strong because you still have the heart to encourage others even though you have your own problems you need to deal with. Cheers to all of the battles you've silently won, that no one noticed and recognized because you didn't want to let them know about what you've went through. You have no idea how beautiful your soul is and I pray that God willl fully transform you into the person he want you to be. Keep going and fighting self. I know you can make lt for the future. Self, no matter what comes up in your life. I know that this too, will pass. You know, there's nothing impossible in this life. You just need to keep working hard. Your dreams and aspirations are not imposible, you just keep working at it.
Huwag mo sanang pababayaan ang iyong sarili dahil ang sarili mo ang isa sa makakatulong saiyo at magiging katuwang mo sa buhay balang araw at huwag na huwag mong kakalimutan ang mga taong nag silbi ng lakas,gabay at tumulong sa iyo sa gitna ng laban para maabot mo ang iyong pangarap sa buhay. Mahal kong sarili, alam kong marami akong pagkukulang dati hayaan mo akong gumawa at magpasya nang naayon sa gusto kong mangyari sa kasalukuyan, makakabuti at magdadala sa iyo sa magandang buhay pagdating ng panahon,huwag mong susukuan ang pangarap mo, laban lang! Mahal kong sarili. ππ
No comments:
Post a Comment