Sa mga taong pinakamamahal ko at naging parte na din ng aking pagkatao. Mga taong umaantabay at nakukuhanan ko ng lakas ng loob sa oras ng kahinaan at kagipitan. Mga taong nagbibigay kasiyahan at liwanag sa akin. Hayaan niyo akong magbalik tanaw at aral sa mga kabutihang idinulot niyo sa akin.
Sa masisipag kong kamag-aral at kaibigan, mga mabubuting guro na may busilak ang puso at sa pamilya ko na laging nandiyan at aking nasasandalan kailanman, maraming-marami salamat sainyo.
Unahin nating bigyang pakahulugan ang salitang ang mga masisipag kong kamag-aral at kaibigan. Mga taong nakakasama ko sa hirap patungo sa malawak na hakbang upang makamit ang mga inaasam-asam sa buhay. Ang mga nabubuong tawanan, kulitan at kasiyahan ay sa kanila ko natutunan at nahagkan, nakakasabay papuntang eskwelahan hanggang sa pag-uwi ng bahay. Mga taong nakukuhanan ko ng lakas at payo sa tuwing may problema ako, nandiyan sila umaantabay sa tuwing napaghihinaan ako ng loob at sa tuwing nawawalan na ako ng lakas at nakakaramdam ng pagod. Mga ngiti sa kanilang labi ang pumapawi sa aking kalungkutan at sa mga dinadala kong problema. Nakakasabay ko sila sa hirap at pagsubok na kinakaharap sa loob ng eskwelahan. Mga taong nagpupursigi upang makatapos kahit na unti-unting hinahamon ng mapagbirong tadhana. Kaming mga mag-aaral na patuloy na nagsusumikap at nagpupursigi upang makamit at marating ang inaasam-asam na tagumpay balang araw.
Sunod nating bigyang pakahulugan ang mga taong nagbibigay ng karunungan at nagtuturo sa atin ng magandang asal. Kilala natin silang lahat dahil sila ang pangalawang magulang natin, pangalawang magulang na nagsusumikap para maturuan lang tayo. Mga taong mayroong tiyaga at kayang magsakripisyo para sa ating lahat, sa mga estudyanteng mabigyan lang ng karunungan at magkaroon ng mabubuting asal. Si Ma'am at si Sir na gumagabay sa atin patungo sa magandang direksyon at matuwid na landas. Minsan napapaisip tayo kaya pa ba nila? Ang pagsabayin ang kanilang trabaho at balansehin ang oras nila sa kanilang pamilya sa dinami -dami nilang ginagawa, mga papel works, magcheck ng mga exams, magkompyut ng mga grades, mga aralin na kailangang pag-aralan upang talakayin kinabukasan ang lahat ng mga yan ay palagi nilang ginagawa sa araw-araw, at sasabayan pa ng ingay nang kanilang mga estudyante na dulot sa kanila ng matinding sakit sa ulo. Napapagalitan nila tayo dahil sa pagod ba nilang nararamdaman? Kaya saludo kami sainyo mabubuting guro sa tapang niyo at dedikasyon, mga aral niyong bigay sa amin na kailanma'y hinding-hindi nawawala, mananakaw at matutumbasan ninuman at maidadala namin sa totoong buhay at maging sa kasalukuyang panahon.
Pangatlo nating bigyang pakahulugan ang ating pinakamamahal na pamilya. Unang nasasandalan sa oras ng kagipitan . Pamilyang nagbibigay sa atin ng direksiyon upang makamit ang gusto nilang mangyari at marating natin. Mga magulang na nagpupursigi, nag sasakripisyo at nagbabanat ng buto upang mabigyan lang tayo ng magandang buhay at kinabukasan. Kaya nilang danasin ang hirap, pagod at araw-araw silang kumakayod para mabuhay lang tayo. Mga magulang na hindi iniintindi at pinapansin ang kanilang itsura para makapagtrabaho lang sila para sa ating ikagiginhawa. Pamilyang dadamayan ka at sasamahan ka sa laban at maging sa pait ng buhay, sa buhay na puno ng tinik at hirap ay nandiyan sila para gabayan ka at tulungan ka at hinding-hindi ka nila susukuan hanggang sa dulo ng iyong buhay. Sa laban papunta sa gusto mong mangyari at mahagkan.
Yan ang mga taong nagbibigay puwang sa aking buhay at binibigyan ko ng napakalaking importansya sa mundo at bumubuo sa aking pagkatao. Mga dulot nila sa aki'y bukal at totoo. Sabay-sabay nating pahalagahan ang mga magagandang bagay na ating nasimulan, sabay-sabay nating harapin ang mga hamon sa ating buhay. Atin nang lakbayin ang pinakarurok ng tagumpang ng ating buhay. Dahil ang mga pagod at hirap nati'y hindi kayang tumbasan ninuman. Mga aral na bigay niyo sa amin ay dadalhin at magsilbing baon na maidadala kahit saan man kami maparoon at maibabahagi sa iba maging sa kasalukuyang panahon.
Yan ang mga taong nagbibigay puwang sa aking buhay at binibigyan ko ng napakalaking importansya sa mundo at bumubuo sa aking pagkatao. Mga dulot nila sa aki'y bukal at totoo. Sabay-sabay nating pahalagahan ang mga magagandang bagay na ating nasimulan, sabay-sabay nating harapin ang mga hamon sa ating buhay. Atin nang lakbayin ang pinakarurok ng tagumpang ng ating buhay. Dahil ang mga pagod at hirap nati'y hindi kayang tumbasan ninuman. Mga aral na bigay niyo sa amin ay dadalhin at magsilbing baon na maidadala kahit saan man kami maparoon at maibabahagi sa iba maging sa kasalukuyang panahon.
❤
ReplyDeletePepeng Danπ
ReplyDelete